200 inmates sa Correctional Institution for Women, nabakunahan na ng unang dose ng bakuna laban sa COVID-19
Kabuuang 200 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa Correctional Institution for Women ang naturukan ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon sa Bureau of Corrections, karamihan sa mga babaeng PDLs ay mga senior citizens na pumayag na sila ay mabakunahan laban sa sakit.
Isinailalim muna sa screening at evaluation ang mga PDLs bago sila turukan ng anti- COVID vaccine.
Inobserbahan din ang mga inmates pagkatapos para sa posibleng adverse effects.
Nakipag-ugnayan ang pamunuan ng CIW sa Mandaluyong City Health Department upang mabakunahan laban sa virus ang mga inmates.
Sinabi ng BuCor na mahalaga ang pagpapabakuna sa laban sa COVID at sa proteksyon ng mga wards at opisyal lalo na ng mga PDLs.
Moira Encina