200 tauhan ng Police Regional Office 3, sumailalim sa pagsasanay bilang mga Electoral Board Member para sa nalalapit na eleksyon

0
200 tauhan ng Police Regional Office 3, sumailalim sa pagsasanay bilang mga Electoral Board Member para sa nalalapit na eleksyon

Courtesy: Police Regional Office 3

Isang buwan bago ang 2025 midterm elections, sumailalim sa pagsasanay bilang mga Electoral Board Member ang nasa 200 tauhan ng Central Luzon police.

Pinangunahan ito mismo ng mga tauhan ng Commission on Elections kung saan tinalakay nila ang election laws and procedures.

Tinuruan din ang mga pulis kung paano i-operate ang vote-counting machines na gagamitin sa halalan.

Nagsagawa rin ng simulation exercise ng mismong eleksyon upang matiyak na magiging maayos at walang magiging problema.

Courtesy: Police Regional Office 3

Ayon kay Police Regional Office 3 Director Brig. Gen. Jean Fajardo, idedeploy ang mga pulis sa ilang lugar sa Bangsamoro Region na kukulangin sa guro na magsisilbing election board at mga lugar na may mataas na banta sa seguridad.

Tiniyak din ni Fajardo na sinanay ang kanilang mga tauhan para maging neutral at maasahang mga myembro ng electoral board na makatutulong sa pagsiguro ng maayos at payapang eleksyon.

Bukod sa midterm elections, gagamitin din ang mga police electoral board member, sa idaraos na Bangsamoro parliament elections.

Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *