2,000 goody bags Ipinagkaloob ng Iglesia ni Cristo sa Laguna.

Nagkaloob ang pamunuan ng Iglesia ni Cristo sa Distrito ng Sta. Cruz Laguna ng 2,000 goody bags para sa mga residente sa lalawigan na patuloy na naapektuhan ng pandemiya bunsod ng Covid 19.
Ito ay sa ilalim ng proyektong  Lingap sa Mamamayan ng INC. 
Personal na ipinagkaloob ni Kapatid na Melvin Cayabyab, Ministro sa Iglesia ni Cristo at Tagapangasiwa sa Distrito ng Sta. Cruz Laguna ang mga nasabing relief goods.
Nagpasalamat naman sa pamunuan ng Iglesia Ni Cristo si Laguna Governor Ramil Hernandez sa tulong na ipinagkaloob ng INC para sa mga mamamayan sa lalawigan. 
Pinasalamatan din ng gobernador ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo, sa tulong na ipinagkaloob sa Laguna Provincial Govt mula sa INC. 

photo courtesy: Gov. Ramil Hernandez


“….Nagpapaabot po tayo ng taos pusong pasasalamat sa ating mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo, sa pangunguna ni Ka Eduardo V. Manalo, sa tulong na kanilang ibinigay para sa mga Lagunense. 
Maraming salamat po sa inyong pagtulong, higit ngayong panahon ng patuloy na pandemya. Pagpalain po tayo ng ating Ama…”
-Gov. Ramil Hernandez

Ayon kay Governor Hernandez, ang mga tinanggap nilang tulong mula sa INC ay idaragdag ng mga opisyal sa mga ipinamahagi nang relief goods sa lalawigan para sa mga tuwirang nangangailangan ngayong panahon ng krisis sa bansa bunsod ng Covid 19. 

Please follow and like us: