20,000 mga pulis itinalaga para magbantay sa Brgy. at SK elections

Magde-deploy ang National Capital Regional Police office o NCRPO ng 20,000 pulis para sa May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan elections .

Ayon kay NCRPO Chief Director Camilo Cascolan, 16,000 rito ay idedeploy sa mga Polling stations at Precints sa buong Metro Manila,  habang ang 4,000 naman mula sa District mobile force ay magpapatrolya.

Ang bilang ng mga magpapatrolya  ay madaragdagan pa sakaling magpadala na ang PNP Headquartes ng karagdagang pwersa.

Ayon kay Cascolan ang kanyang bilin sa pulisya ay maging alerto upang kahit anong mangyari ay makaresponde agad ang mga ito.

Samantala, sinabi naman ng opisyal na wala pang namomonitor ang NCRPO na kahit anong election-related violence.

 

=============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *