2018 National budget, lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang 2018 National budget.

Idininaan ang botohan ng House Bill 6215 sa pamamagitan ng viva voce votes.

Nakasentro ang 2018 National budget sa infrastructure at education programs ng administrasyon.

Kung ikukumpara ang pambansang pondo ngayon taon, mas mataas ng 12.4 percent ang national budget para sa 2018.

Pinakamalaking alokasyon sa pambansang pondo sa susunod na taon ay ang social services.

Pumalo ito sa P1.45 trillion, o 38.5 percent ng proposed national budget.

Gayunman, kabilang sa top 10 agencies na makakatanggap ng malaking pondo ay: DepEd (567.562-B), DPWH (458.610-B), DILG (150.051-B), DND (134.543-B), DSWD (129.912-B), DoH (94.047-B), Dept of Transportation (55.479-B), DA (45.292-B), Judiciary (32.542-B) at DENR (29.371-B).

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *