2019 budget ng PCOO, pinababawasan

 

Nanawagan ang isang grupo sa Kamara na bawasan ang panukalang 1.474 bilyong pisong pondo ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) para sa susunod na taon.

Sumulat ang grupong Let’s Organize for Democracy and Integrity (LODI) Arts and Media Alliance kay House Committee on Appropriations Chair Representative Karlo Nograles na gisahin ang PCOO Officials sa Budget briefing para sa ahensya.

Aayon kay Tonyo Cruz, miyembro ng LODI Steering committee, isang palpak na ahensya ang PCOO dahil sa sunud-sunod na pagkakamali nito.

Binanggit pa ni Cruz ang mga kontrobersiyang kinasadlakan ng ahensya tulad ng pag-imbento sa bansang Norwegia, pagpalit sa pangalan ni Senador Sherwin Gatchalian sa Winston at sa sikat na Pepederalismo video na kinunan mismo sa opisina ng ahensya.

Mas mataas ang hinihinging budget ng PCOO para sa 2019 ng p9.434 milyong piso kumpara sa kanilang 2018 budget.

Ayon sa grupo dapat bawasan ang budget dahil sa kapalpakan ng PCOO at dahil na rin sa anila’y patuloy na pagpapakalat ng fake news ni Communications Assistant secretary Mocha Uson.

 

============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *