2019 Proposed National Budget, agad lalagdaan ni Pangulong Duterte, kapag walang probisyong lalabag sa Konstitusyon- Malacañang
Tiniyak ng Malakanyang na hindi basta lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enrolled bill ng 2019 proposed National Budget na nagkakahalaga ng 3.757 trillion pesos.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na bubusisiing mabuti ng Pangulo ang lahat ng probisyon ng pambansang budget.
Ayon kay Panelo, alam ng Pangulo bilang isang abogado ang ligal at iligal na probisyon ng National budget.
Inihayag ni Panelo maaaring gamitin ng Pangulo ang kanyang line veto power sa mga probisyon ng national budget na lalabag sa batas.
Ang enrolled bill ng National Budget na ipinadala sa Office of the President ay may kalakip na reservation note ni Senate President Tito Sotto na kumukuwestiyon sa 75 billion pesos na re-alignment na ginawa ng mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ulat ni Vic Somintac