2019 proposed national budget na nagkakahalaga ng 3.757 trillion pesos isusumite ni Pangulong Duterte sa kongreso sa araw ng SONA ayon sa Malacañang
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pambansang budget ng pamahalaan para sa taong 2019 na nagkakahalaga ng 3.757 trillion pesos.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na iprenisenta ng economic team sa pangulo ang 2019 national sa pinakahuling cabinet meeting sa Malakanyang.
Ayon naman kay Budget Secretary Benjamin Diokno na kung titignan mababa ng 10 billion pesos ang 2019 national budget kumpara sa 2018 national budget subalit sa budgeting process halos pareho lamang kung tutuusin
Niliwanag ni Diokno ang 2018 national budget na nagkakahalaga ng 3.767 trillion pesos ay obligation base samantalang ang 2019 national budget na nagkakahalaga ng 3.757 trillion pesos ay cash base.
Inihayag ni Diokno na gaya ng dati pangunahing pinaglaanan ng malaking bahagi ng national budget ay ang Department of Education, Department of Public Works and Highways, Department of National Defense, department of Transportation, Department of Interior and Local government at Department of Health.
Ulat ni Vic Somintac