2020 National Science and Technology week, matagumpay na naidaos
Sa pamamagitan ng online virtual celebration, matagumpay na naidaos ang paggunita sa 2020 National Science and Technology week.
Naging tema ng pagdiriwang ay Siyensya at Teknolohiya: Sandigan ng Kalusugan, Kabuhayan, Kaayusan at Kinabukasan.
Siniulan ang aktibidad noong November 23 at nagtapos ng November 29, 2020.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato dela Peña, sa kabila ng nararanasang pandemya ay itinuloy ang pagsasagawa ng iba’t-ibang aktibidad online.
Tumuon ang paksa sa apat na K: ang Kalusugan, Kabuhayan, Kaayusan at Kinabukasan.
Ayon sa kalihim, ang NSTW ay simbolo ng pag-asa sa bawat mamamayang Filipino, handa at buong lakas na hinaharap ng bansa ang kinabukasan dahil ang kaunlaran bilang tao, bilang isang bansa ay nakasalalay sa agham, teknolohiya at inobasyon.
Dagdag pa ng kalihim, sa pagharap ng bansa sa panibagong buhay o sa tinatawag na bagong normal, makapagsisimulang muli, taas-noo at buo ang loob na magwawagi anumang kaharapin na pagsubok.
Nanawagan din si Dela Peña sa publiko na ang Agham at Teknolohiya ay sandigan sa pag-unlad kaya dapat natin itong yakapin at tanggapin ang mga inobasyong inihahatid nito.
Belle Surara