2021 Brigada Eskwela ng Diffun National High School sa Quirino province, aktibong nilahukan ng Batch ’95 alumni
Sa kabila ng suspensyon ng face to face classes ay patuloy pa ring pinagaganda ang Diffun National High School sa Quirino province, sa pamamagitan ng paglulunsad sa 2021 Brigada Eskwela, na aktibong nilahukan ng Batch ’95 alumni.
Pininturahan nila ang mga silid-aralan bilang bahagi ng pagsasa-ayos at paghahanda, sakaling bumalik na sa normal na sitwasyon ang pagtuturo sa mga paaralan.
Ang pagmamalasakit na ipinamalas ng mga dating estudyante sa naturang paaralan, ay labis namang ikinatuwa nina Secondary Schools Principal Magdalena P. Layugan at dating guro ng Batch ’95 na si Dr. Angielyn Pallaya .
Ulat ni Edel Allas