2021 Census at Operasyon Timbang, isinagawa sa bayan ng Bulakan
Nagkaroon ng 2021 Census at Operasyon Timbang sa Bayan ng Bulakan, na nasa ilalim pa rin ng Modified General Community Quarantine o MGCQ, partikular sa Barangay Balubad.
Ang 2021 Census at Operasyon Timbang ay isinagawa sa Sitio Hulo.
Ayon sa Lingkod Lingap sa Nayon o LLN, na kinabibilangan ng mother leaders ng barangay, bukod sa census, pagtitimbang at pagsukat sa taas, ay sinukat na rin nila ang braso ng mga batang may edad 0 hanggang 59 buwan. Nagdidikit din sila ng sticker sa pinto ng bawat bahay bilang katunayan na sila ay na-census na.
Dagdag pa ng LLN, ang bagong proyekto ng Department of Health (doh)na may temang “Chikiting Ligtas sa dagdag bakuna kontra rubella, polio at tigdas” ay isasagawa naman sa Central Luzon mula ika – 1 hanggang ika – 28 ng Pebrero taong kasalukuyan.
Ang bakuna kontra tigdas ay para sa mga batang may edad 0 hanggang 5 taon, habang ang bakuna kontra polio at rubella ay para sa mga batang may edad 9 na buwan hanggang 5 taon.
Isasagawa ang pagbabakuna sa ika-1 at ika-2 ng Pebrero, sa basketball court ng Sitio Hulo, sa Barangay Balubad sa bayan ng Bulakan, lalawigan ng Bulacan.
Ulat ni Dhen Mauricio Clacio