2022 Proposed National budget, isusumite na kay President Duterte
Ipadadala na ng Senado sa Malakanyang ang kopya ng 2022 proposed National budget para malagdaan ng pangulo sa December 28.
Sinabi ni Senate president Vicente Sotto na lalagdaan niya bukas ang kopya ng budget saka ipadadala sa tanggapan ng pangulo.
Ayon kay Senate finance committee Chair Sonny Angara, pinaspasan nila ang pagpapatibay sa budget dahil sa nangyaring paghagupit ng bagyong odette.
December 15 nang ratipikahan ng dalawang kapulungan ang 2022 national budget.
Naiintindihan niya raw ang pangulo bakit naubos ang pondo ng gobyerno dahil sa matinding epekto ng COVID-19.
Pero sa pambansang budget kapag nilagdaan ito ng pangulo, mayroong 20 billion pesos na maaring gamitin para tulungan ang mga nasalanta ng bagyo.
Kung may savings naman ang mga ahensya ng pamahalaan ngayong 2021, maari itong i realign ng pangulo para magamit bilang calamity funds.
Sa pambansang budget, nakapaloob rin ang 700 billion pesos ng Department of Public Works and Highways para naman sa pagkukumpuni ng mga nasiramg kalsada, tulay at iba pang gusali ng pamahalaan.
Kapag nalagdaan na ng Pangulo dapat maging mabilis aniya ang disaster response para agad makabangon ang mga tinamaan ng kalamidad.
Meanne Corvera