2023 Proposed National Budget , hindi na pahihirapan sa Bicameral Conference Committee ayon kay House Speaker Martin Romualdez
Nagpahayag ng kahandaan ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na makikipagtulungan sa Senado para hindi na tumagal sa Bicameral Conference Committee ang 2023 Proposed National Budget na nagkakahalaga ng 5.268 trilyong piso.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na mayroon ng mutual agreement ang Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado sa ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC meeting sa Malakanyang na bago matapos ang taon ay mapipirmahan ng Chief Executive ang 2023 National budget.
Ayon kay Romualdez, mahalagang mapagtibay on time ang National budget dahil nakapaloob dito ang mga pondo na gagamitin ng pamahalaan para sa economic recovery ng bansa mula sa epekto ng pandemya ng COVID 19.
Sa ngayon tinatapos na lamang ng Senado ang kanilang bersiyon sa 2023 Proposed National Budget at anumang hindi pagkakasundo sa bersiyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay aayusin sa Bicameral Conference Committee.
Vic Somintac