2023 Proposed National budget, isinalang na sa plenary debate sa Kamara
Inumpisahan na ng mga mambabatas ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang plenary debate sa 2023 proposed national budget o General Appropriations Bill.
Sa sponsorship speech ni House Committee on Appropriations Chairman Congressman Elizaldy Co hinimok niya ang kanyang mga kapuwa mambabatas na paspasan ang pagpasa sa 5.268 trilyong pisong panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon upang makamit ang 8 point economic agenda ng Marcos Jr. administration upang makabangon ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa epekto ng pandemya ng COVID-19.
Nag mosyon naman si Minority Leader Marcelino Libanan at hiniling nito sa plenaryo na hindi isara o iterminate ang period of interpellation para sa mga ahensiyang sasalang sa deliberasyon hanggat hindi pisikal na dadalo ang kanilang mga pinuno.
Napuna ni Libanan ang pagiging absent ng mga bumubuo ng Development Budget Coordination Committee o DBCC na kinabibilangan ng Department of Finance, Department of Budget and Management, National Economic Development Authority o NEDA at Bangko Sentral ng Pilipinas.
Sa 2023 proposed national budget, 852.8 billion pesos ang inilaan sa sektor ng edukasyon, partikular sa ligtas na pagbabalik ng face-to-face classes, pagpapatayo at rehabilitasyon ng school facilities at educational assistance.
301 billion pesos naman ang inilaan sa health sector kung saan kasama ang pondo para sa bakuna at healthcare worker benefits.
Ang agricultural sector ay pinaglaanan ng 184.1 billion pesos habang 512.2 billion pesos ang para sa social protection programs tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4PS.
Vic Somintac