2023 Proposed National budget na nagkakahalaga ng P 5.268 Trillion, isusumite na sa lunes
Pormal na isusumite ng Department of Budget ang Management o DBM sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang National Expenditure Program (NEP) para sa Fiscal Year 2023 sa Lunes August 22.
Pangungunahan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang ceremonial turnover ng panukalang pambansang budget kay House Speaker Martin Romualdez.
Batay sa abiso ng House of Representatives Press and Public Affairs Bureau , alas-diyes ng umaga isasagawa ang pagsusumite sa Speaker’s Office ng National budget na susundan ng briefing ng DBM.
Pangunahing prayoridad para sa 2023 National Budget ang health related expenditures, disaster risk management, social security, digital economy/government, local government support, at growth-inducing expenditures.
Vic Somintac