2024 Shari’ah Bar Exams gagawin na ring regionalized at digitalized
Sa unang pagkakataon ay magiging regionalized at digitalized na rin ang Shari’ah Bar Examinations.
Sa bar bulletin na inisyu ni 2024 Shari’ah Bar Exams Chairperson at Justice Maria Filomena Singh, sinabi na naghanda ang Korte Suprema para sa pagsasagawa ng computerized at regionalized na eksaminasyon.
Alinsunod na rin ito sa Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027.
Itinakda ang 2024 SBE sa Pebrero 25, Linggo at Pebrero 28, Miyerkules.
Inilabas na rin ng SC ang iskedyul ng apat na core subjects sa pagsusulit.
Dalawang core subjects ang ipagsusulit kada examination day.
Ang Shari’ah Law practitioners ay naglilitis ng mga kaso sa Shari’ah district at circuit courts na karamihan ay nasa Mindanao.
Ang Shari’ah o Islamic Law ay ang batas na gumagabay sa pamumuhay ng mga Muslim.
Moira Encina