21 aktibong kaso ng COVID-19, naitala sa DOJ
Ilang araw lang matapos ang bagong taon, nakapagtala na ng 21 aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga kawani ng DOJ sa Maynila.
Ito ay batay sa pinakahuling datos ng kagawaran nitong Enero 6.
Mula noong 2020, kabuuang 133 empleyado at opisyal ng DOJ main office ang nahawahan ng COVID.
May naitala ring active cases ng sakit sa mga tanggapan ng DOJ sa Region 3 na anim at Region 4 na pito.
Samantala, halos 96% ng DOJ personnel sa Maynila ang bakunado na laban sa virus.
Mula sa 804 kawani, 770 ang naturukan na ng una at ikalawang dose ng anti- COVID vaccines o 95.77%.
Sa lahat ng DOJ offices naman sa buong bansa, nasa 6,106 sa 6,254 tauhan ang nabakunahan na o halos 98%.
Moira Encina