21 sa local cases ng Delta variant sa bansa sinuri sa PGH
21 sa 72 local cases ng Delta variant sa bansa ang sinuri sa Philippine General Hospital.
Pero sa kabila ng mataas na Delta variant exposure sa kanilang mga staff, tiniyak ni PGH infection control chief Dr. Regina Berba, walang Covid-19 outbreak na naitala.
Aabot aniya sa 300 contacts ang na-evaluate na at na-test.
Sa 21 Delta variant cases, 14 ang taga-Metro Manila, 3 ang taga-Central Luzon at 4 naman ang taga-Calabarzon.
Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, 6 sa 21 na ito ang naadmit habang ang iba ay doon lamang sinuri.
Sa 6 na na-admit, 2 ang nasawi na kapwa hindi pa bakunado kontra Covid-19 habang ang 4 ay nakarekober na, kung saan 1 lang sa kanila ang nabakunahan na.
Madz Moratillo