21 sugatan matapos tumaob ang mini-bus sa National Highway ng Brgy. Bobonan, Pozorubio, Pangasinan
Nasa 21 katao ang sugatan matapos tumaob ang coaster bus sa national highway ng Brgy. Bobonan sa bayan ng Pozorubio, Pangasinan.
Ayon sa Pozorubio PNP, minamaneho ng driver na si Edwin Leonard Domenden, 25, taga Baguio City ang KIA Combi mini bus, at binabaybay ang ginagawang tulay sa lugar, hindi nito napansin ang bagong mga nakalagay na concrete barrier at mga bato na dahilan kaya tumaob ang bus.
Sugatan at pawang isinugod sa Pozorubio Community Hospital ang mga biktimang sina Christian Ambojnon, Cyrelle Serquenza, Wifalyn Ricardo, Elizabeth Serna, Janna Jaramillo, Rene Jaramillo, Shirelyn Castro, Sophia Harmony Castro, Lycca Abalde, Christine Pajarillaga, isang guro, Beejay Castro, Javy Jaramillo, Stephanie Ragas, Julie Ann Dalisdis, Jane Catanglan, teacher, Pablo Soriano, Junie Nacisa, John Michael Manzano, Russel Brandon Casilen, Myka Jaramillo at Polyshien Manzano pawang taga Baguio City.
Tatlo sa mga biktima kasama ang driver ay kritikal matapos magtamo ng head injury habang 18 naman ang nagtamo ng minor injuries.
Sila ay isinugod sa Pozorubio Hospital at kalaunan ay inilipat sa pagamutan sa Baguio.
Ayon sa imbestigasyon ng Pozorubio PNP, galing Tarlac pauwing Baguio City ang bus nang mangyari ang insidente.
Ulat ni Nora Dominguez