219 lugar sa NCR, nasa ilalim ng granular lockdown
Umaabot na sa 219 na mga lugar sa Metro Manila ang isinailalim sa granular lockdown.
Batay sa datos ng Philippine National Police, kinabibilangan ito ng 123 Barangay, 132 kabahayan, 53 residential building floors, 17 kalye at 17 subdivision.
Samantala, nasa 592 at 714 PNP force multipliers ang itinalaga sa mga lockdown area upang masigurong nasusunod ang minimum health standards.
Itinuturing na “critical zones” ng LGU ang mga nasa ilalim ng granular lockdown.
Nauna nang sinabi ni Metro Manila Council (MMC) head and Parañaque Mayor Edwin Olivarez na sapat na ang isang kaso ng Covid-19 upang magpatupad ng lockdown sa isang bahay o condominium habang 2 kaso naman kung ito ay sa isang kalye o subdivision.