22 Kumpanya at 4 na negosyante, kinasuhan ng BIR
Dalawampu’t dalawang kumpanya at apat na negosyante ang inireklamo ng Tax evasion ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice.
Ayon sa BIR, sa kabuuan ay aabot sa mahigit isang bilyong piso ang hinahabol nilang hindi nabayarang buwis mula sa mga nasabing kumpanya.
kabilang sa mga kumpanya na inireklamo ng BIR ay ang:
- Bleaustar Manufacturing and Marketing corporation
- E-Marc Consultant Inc.
- Jan Victor Trading Inc.
- Joriz Creative Graphics Co.
- YN General services Inc.
- System Encoding Corporation
- Ski Construction group Inc.
- Prestige Cars Makati Inc.
- Lucky charm pub and restaurant corp.
- Underground logic Inc.
- JP Med Asian Pacific Inc.
- Information products corp.
- Tridem Asia publishing inc.
- Integrated dynamic service inc.
- Eurobrokers international inc.
- Inq7 Interactive Inc.
- A- Frances Healthy Pharma marketing inc.
- Cliref enterprises inc.
- Iventures Inc.
- Ulanday construction and development corporation
- Meteor Trading company inc.
- Calcarries International Inc.
Habang kabilang naman sa mga kinasuhang negosyante sina:
1. Lelion Sy Ang
2. Joseph Arnel Rubio Ortega
3. Felix Limlingoco Cruz
4. Hernando Auson
Isa sa mga kilalang kumpanya na kinasuhan ay ang Inq7 Interactive Inc, isang korporasyon na nasa internet publishing, kung saan kabilang sa nais na mapanagot ng BIR ang Chairman of the Board nito na si Felipe Gozon at Presidente na si Paolo Prieto.
Sa datos ng BIR aabot sa mahigit 23 milyong piso ang hindi nabayarang buwis ng Inq7 noong 2006.
Sa lahat ng kumpanyang ito ang SKI Construction ang may pinakamalaking hindi umano nabayarang buwis na aabot sa mahigit 467 milyong piso.
Nilinaw naman ni BIR Deputy Commissioner Marissa Cabreros na walang sinisino ang BIR sa paghahabol sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Hinikayat rin ng BIR ang publiko na samantalahin ang ipinatutupad na Tax Amnesty program ng BIR para ayusin ang mga hindi nabayarang buwis at huwag ng hintayin na makasuhan pa sila.
Ulat ni Madz MOratillo