22 Migrante Nalunod Matapos Tumaob Ang Sinasakyang Barko Sa Aegean Sea
(Reuters) – Dalawampu’t dalawang migrante ang nalunod at mahigit dalawandaan ang nailigtas nang tumaob ang barkong sinasakyan nila sa Aegean Sea mula sa Turkish coast nitong Martes (September 15). Ang barko ay patungong Greek island ng Kos.
Nasa kabuuang 211 imigrante ang nailigtas mula sa barko habang nadiskubre ng mga divers ang mga katawan ng 22 na nalunod, ayon sa Turkish coastguard.
Ang barko ay lumusong ng mga 1.5 miles (2.5 km) ,malapit sa resort town ng Bodrum, kung saan nalunod ang batang Syrian na si Aylan Kurdi dalawang linggo nang nakakaraan.
Isang television footage ang nagpakita kung gaano kadami ang nailigtas na nakasakay sa Turkish coastguard ship.
Ayon sa Dogan (news agency),ang grupo ay patungong Kos gamit ang isang 20-metre (66-foot) wooden boat.
Noong Linggo (September 13), 34 na katao kasama ang 15 babies at bata an namatay nang isa pang wooden boat ang tumaob sa Greek island ng Farmakonisi.
Ang United Nations refugee agency, UNHCR, inaasahang hindi bababa sa 850,000 migrante ang patungong Europe ngayong taon.