22% ng target population sa CALABARZON, nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19
Umaabot na sa mahigit 2.5 milyong indibiduwal sa CALABARZON ang fully-vaccinated laban sa COVID-19.
Ayon sa datos ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, katumbas ito ng 22% ng target na populasyon sa rehiyon na 11.45 milyon para magkaroon ng herd immunity laban sa sakit.
Nasa 3.4 milyong katao naman sa Region IV-A ang nakatanggap na ng unang dose ng anti-COVID vaccines.
Sa kabuuan, mahigit 5.9 milyon na ang naturukan laban sa virus sa rehiyon.
Ang Cavite ang nangunguna sa rehiyon sa pinakamarami na kumpletong nabakunahan sa target population nito na 25% o mahigit 749,000 indibiduwal.
Moira Encina