22 volcanic earthquakes, naitala ng PHIVOLCS sa Taal volcano
Nakapagtala ng dalawampu’t dalawang volcanic earthquakes ang Taal volcano sa nakalipas na dalawampu’t apat na oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS , mula sa naturang bilang labing walo ang volcanic tremor at apat ang low frequency volcanic earthquakes.
Naitala rin ng ahensya ang mataas na lebel ng volcanic sulfur dioxide o SO2 gas emissions at steam-rich plumes na may taas na 1,500 meters.
Namamalagi naman sa alert level 3 ang bulkang taal dahil hindi parin normal ang bulkan.
Muling ipinapaalala sa publiko na ang buong Taal Volcano Island ay nakapaloob sa Permanent Danger Zone (PDZ), kung kayat mapanganib at ipinagbabawal ang pagpasok dito maging sa mga nabanggit na high-risk barangay ng Agoncillo at Laurel.