220-k crowd estimate sa Leni-Kiko grand rally, hindi galing sa PNP
Nilinaw ng Philippine National Police na hindi sa kanila galing ang crowd estimate na umabot sa 220,000 ang dumalo sa Leni-Kiko” grand rally na isinagawa sa Robinson’s starmills sa San fernando, Pampanga noong April 9.
Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, galing sa mismong organizer ng event ang naturang estimate at hindi sa PNP.
Base daw kasi sa sarili nilang estimate umabot lang sa 70,000 ang dumalo sa naturang political rally.
Giit ng PNP may sinusunod silang sistema sa pagbibigay ng crowd estimate sa malalaking event.
2 person per square meter daw ang sinusunod nilang formula ng kanilang mga ground commander.
Sa harap nito, muli namang iginiit ng PNP na nananatili silang apolitical at non-partisan.
Ngayong eleksyon ang deployment daw ng kanilang mga tauhan sa mga Political rally at Caravan ay layon na tiyakin ang seguridad ng lahat ng mga dadalo.
Mar Gabriel