23 milyon target mabigyan ng booster shot sa ilalim ng PinasLakas program ng pamahalaan
Bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na mapalakas ang vaccination efforts, ilulunsad ng Department of Health ang PinasLakas.
Ayon kay DOH Officer in Charge Ma Rosario Vergeire, ilulunsad ang programa sa Hulyo 26 o 1 araw matapos ang unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ang unang programang ilulunsad para mapalakas ang bakunahan sa ilalim ng Marcos administration.
Ayon kay Vergeire, target nilang mabigyan ng booster shot ang 23 milyong indibidwal sa bansa.
397,00 kada araw ang target nilang mabigyan ng booster shot sa buong bansa sa loob ng 60 araw.
Target aniya nilang mapataas sa 90% ang booster shot coverage sa mga senior citizen at 50% naman sa kabuuan ng populasyon.
Sa datos ng DOH, may 71.4 milyong indibidwal na sa bansa ang fully vaccinated kontra COVID- 19.
Ang 15.7 milyon rito, mayroon ng 1st booster dose habang 1.1 milyon naman ang may 2nd booster na.
Ayon kay Vergeire, gagawin nilang available ang mga bakuna kontra COVID- 19 sa mga palengke, bahay sambahan, malls ,transport terminals, offices, factories, plazas, o eskwelahan.
Para naman aniya sa mga miyembro ng A2 o matatanda na pwede naman ang home visitation.
Madelyn Villar-Moratillo