24 hours checkpoint sa buong bansa at pag-aresto sa mga private armed groups, ipinag-utos ni PNP Chief Oscar Albayalde
Sampung buwan bago ang midterm election,ipinag utos na ni PNP Chief Oscar Albayalde ang pagpapaiting sa kanilang check point operation at intellegence gathering sa buong bansa.
Ito ang nikikitang paraan ni Albayalde para mapigilan ang mga insidente ng karahasan na maari pang mangyari kasunod ng serye ng pagpatay sa mga elected official
Bagaman hindi pa umiiral ang gunban, target ng PNP na makumpiska ang mga nagkalat na loose firearms sa bansa na karaniwang nagagamit sa krimen.
Ipinaaaresto na rin ni Albayalde ang mga gun for hire group at private armed groups na inaalagaan ng mga pulitiko at kadalasang nagagamit sa mga karahasan.
Sa record ng PNP, may 78 private armed groups sa buong bansa na ang karamihan ay nasa Mindanao.
Tuloy-tuloy naman ang kanilang case build up laban sa naturang mga grupo para sa pagsasampa ng kaso at pagsasagawa ng operasyon laban sa mga ito.
“ Its not really alarming naman, this is part of our target hardening measures para ma prevent natin ang posible pang hostilities or violence in lieu of the forthcoming elections next year.Hindi lang to disarm but to arrest them and put them behind bars”
Ulat ni Mar Gabriel