24 ospital sa bansa lalahok sa Solidarity trial sa paghahanap ng gamot sa Covid 19
Umaabot sa 24 ospital sa bansa ang lalahok sa Solidarity trial sa paghahanap ng gamot para sa Covid-19.
Ang Solidarity trial ay isang International clinical trial na pinangunahan ng World Health Organization (WHO) at nilahukan ng maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.
Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, 21 sa mga ito ay naaprubahan na ng Institutional Research Institute.
Sa ngayon ay nasa 12 ospital aniya ang aktibo sa pagre-recruit ng mga pasyente na makakasama sa Clinical trial na ito.
Habang nasa 81 naman ang bilang ng mga pasyente na naka-enroll.
Kabilang sa mga ospital na mayroon ng mga pasyenteng naka-enroll sa Solidarity trial ay ang:
University of the East Ramon Magsaysay medical center – 5 pasyente;
Lung Center of the Philippines -13 pasyente;
Makati medcical center- 19 pasyente;
The Medical City na may 10 pasyente;
Cardinal Santos medical center – 4 na pasyente;
Philippine General Hospital – 14 pasyente;
Asian Hospital and Medical Center – 4 pasyente;
San Lazaro hospital- 3 pasyente;
St. Lukes Medical center – 2 pasyente
St. Lukes Medical center – 1 pasyente
Manila Doctors hospital – 1 pasyente
Manila Medical center – 5 pasyente
Ulat ni Madz Moratillo