25 cause-oriented groups nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni BBM sa 2022 Presidential Elections

Nagsanib-puwersa ang 25 cause-oriented groups para suportahan ang pagkandidato sa pagka-pangulo ni dating Sen. Bongbong Marcos.

Bumisita ang Progressive Alliance for BBM sa campaign headquarters ni Marcos sa Mandaluyong City kung saan isinumite ang kanilang manifesto ng pagsuporta.

Binubuo ang alyansa ng 25 organisasyon na kumakatawan sa OFWs, seafarers, barangay youth, Christian groups, loyalists, at healthcare workers.

Ang asawa ni BBM na si Atty. Louise Araneta-Marcos ang tumanggap sa dokumento na ‘Manifesto of Unity, Support, and Commitment to Bring Back the Momentum To Our Country’s Progress and Development.’
 
Naniniwala ang grupo na si Marcos ay totoong lingkod-bayan at forward-thinking na pinuno.

Nangako rin ang Progressive Alliance for BBM na magkakaisa sila para ikampanya at maipanalo si Marcos sa eleksyon.

Una na ring inendorso ng iba’t ibang transport groups ang kandidatura ni Marcos.

Moira Encina

Please follow and like us: