25 Out-of-School youths, makikinabang sa Training for Work Scholarship Program ng TESDA
Makikinabang ang dalawamput limang (25) Out-of-School Youths sa Brgy. Poblacion 2, Capoocan, Leyte sa TESDA Training For Work Sholarship Progràm na inilunsad ng Sangguniang Kabataan (SK) ng nasabing barangay, sa pakikipagtulungan nito sa TESDA at Calubian National Vocational School.
Layunin ng programa na mapabuti ang edukasyon, kabuhayan, at oportunidad sa trabaho ng mga kabataang hindi nakapag-aral o hindi nakapagtapos ng kolehiyo.
Ang beneficiaries ng nasabing programa ay sasailalim sa libreng work readiness trainings, gayundin sa technical at vocational education at training mula sa nasabing educational institution at agency.
Makatatanggap din sila ng living allowance, libreng training tools and equipments, assessment at iba pang mga benepisyo.
Ang training para rito ay sa Barangay Hall mismo ng Poblacion 2 gaganapin.
Matagumpay namang naisagawa ang TESDA Induction of Training for CARPENTRY National Certificate II na pinangunahan nina SK Chairman Leonard E. Dimatàngal, TESDA Calubian Mr. Gerard Pag-ong at Engr. Julito Pending, Jr., na ginawa thru online mula sa Provincial TESDA Office.
Rose Marie Metran