250 milyong halaga ng taklobo nasabat sa Palawan

Aabot sa tinatayang 250 milyong pisong halaga ng mga fossilized giant clam shells o taklobo ang nasabat sa joint operation ng Philippine Coast Guard at PNP-Maritime Group sa Palawan.

Ayon sa Coast Guard, ang mga taklobo ay may timbang na 150 tonelada.

Ang mga taklobo ay natagpuan sa King’s Paradise Island Resort sa Barangay Panitian, Sofronio Espaniola sa Palawan.

Ayon sa PCG, apat ang kanilang suspek, pero isa lang ang naaresto na kinilalang si Eulogio Togonon.

Siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Madz Moratillo

Please follow and like us: