250 pang drug war killing cases pinaiimbestigahan ng DOJ sa NBI
Inendorso na ng review panel na pinamumunuan ng DOJ sa NBI ang karagdagang 250 kaso ng mga napaulat na napatay na suspek sa operasyon kontra iligal na droga ng pamahalaan.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa 49th Session ng United Nations Human Rights Council.
Ang mga nasabing kaso ay partikular na naganap sa Central Luzon.
Sinabi pa ni Guevarra na ang apat na kaso sa 52 drug war related deaths na una nang inendorso sa NBI ay inuusig na sa korte.
Bukod dito, may lima pang reklamo kaugnay sa giyera kontra droga ang inihahanda ng NBI para masimulan na ang pag-usig laban sa mga lumabag na alagad ng batas.
Binanggit din ng kalihim sa UNHCR na ang trabaho ng Review Panel ay napapalakas pa ng
Inter-Agency Committee o ng AO35 mechanism na humahawak sa kaso ng extra-legal killings, enforced disappearances, torture, at iba pang grave violations.
Binigyang diin ni Guevarra na ang mga progreso na nakamit ng Pilipinas ay nakasalalay sa kolektibong aksyon ng PNP, DOJ at iba pang ahensya na committed sa pagrespeto sa karapatang pantao at sa pagpapanagot sa mga lumalabag nito.
Siniguro pa ni Guevarra sa UNHCR na bagamat malapit na ang halalan at magkakaroon ng pagbabago sa administrasyon sa bansa sa kalagitaan ng taon ay hindi nito maaapektuhan ang committment ng Pilipinas sa human rights.
Moira Encina