26 Pinoy sa Gaza determinadong manatili doon –DFA
Kabuuang 26 Pilipino ang nananatili pa rin sa Gaza.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega na tila na determinadong manatili sa Gaza ang mga nasabing Pinoy.
Si De Vega ay nasa Cairo para alamin ang lagay ng mga Pinoy na lumikas sa Gaza sa pamamagitan ng pagtawid sa Rafah Border.
Nakatakdang dumating sa bansa ang ikatlo at ika-apat na Pinoy evacuees mula sa Gaza sa Martes at Miyerkules.
Ang ikatlong batch ay binubuo ng 14 na Pinoy at siyam na asawa habang ang ikaapat at posibleng huling batch ay 13 Pinoy at anim na asawa.
Nagpasalamat naman ang mga Pilipino at kanilang mga asawang Palestinian sa gobyerno at mga embahada ng Pilipinas dahil sa pagtulong sa kanila na makalikas mula sa Gaza.
Moira Encina