26 Volcanic earthquakes, naitala sa Taal volcano
Nasa dalawampu’t anim na volcanic earthquakes ang naitala sa bulkang taal sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa PHIVOLCS, tumagal ng limang minuto ang haba ng eruption event.
Maliban sa volcanic quakes, nakapagtala rin ng isang volcanic tremor sa bulkan na nasa 2 minuto ang haba.
Naobserbahan rin sa bulkan ang malakas na pagsingaw na nasa 1,500 meters ang taas na napadpad sa timog-kanluran.
Please follow and like us: