268 ulat ng online sexual exploitation of children, inimbestigahan ng Office of Cybercrime ngayong taon
Kabuuang 268 ulat ng online sexual exploitation of children (OSEC) ang inaksyunan at inimbestigahan ng Office of Cybercrime ng DOJ ngayong 2021
Ito ay batay sa mga ulat na natanggap ng OOC sa publiko at CyberTipline Reports (CTRs) hanggang Disyembre 15, 2021.
Ilan sa mga aksyon na ginawa ng OOC ay ang pag-validate sa mga OSEC reports sa pamamagitan ng technical investigation sa mga isinasangkot na indibiduwal at pag-endorso sa mga ito sa kinauukulang law enforcement authority gaya ng PNP, NBI,at Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC).
Nakikipagugnayan din ang OOC sa DSWD para sa rescue at counselling ng biktima at sa Bureau of Immigration kung traveling sex offender ang dawit para ito ay mailagay sa blacklist.
Tinutulungan din ng OOC ang PICACC sa sarili nitong imbestigasyon.
Sa kabuuan ay lagpas 2.8 milyon CTRs ang isinumite sa OOC hanggang noong December 15.
Doble ito nang itinaas kumpara noong 2020 na na mahigit 1.29 milyong ulat.
Pero sinabi ng OOC na karamihan sa mga ito ay hindi itinuturing na “actionable” dahil ang mga ito ay multiple generated CTRs gaya kung ito ay nag-viral at ipinadala sa maraming users, inaccurate reporting ng electronic communication providers, at misleading digital images.
Una nang pinasinayaan ngayong taon ang kauna-unahang Cyber- TIP Monitoring Center sa bansa na layong lumakas ang cyber defense at mas mapadali ang pag-detect ng pamahalaan sa lahat ng online child sexual abuse materials.
Moira Encina