27 sa 42 operational Covid-19 Laboratory ng DOH walang backlog
Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na wala ng backlog ang 27 sa 42 operational laboratory na nabigyan ng lisensya para magsagawa ng covid test.
Kasabay nito, umapila ang DOH sa 14 pang covid 19 laboratory sa bansa na magsumite na rin ng kumpletong listahan sa kanila upang makumpleto at malinis na lahat ng backlog cases.
Ayon sa DOH hanggat nagpapatuloy ang kanilang ginagawang paglilinis ng mga backlog cases ay asahan pa ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng covid 19 sa bansa.
Ipinaliwanag ng DOH na ang pagkakaroon ng backlog sa validation ng mga covid cases ay dahil sa mga hindi kumpletong impormasyong naisusumite sa kanilang epidemiology bureau.
Mahigpit umano ang validation ng DOH upang matiyak na walang double counting na mangyayari.
Sa oras na matapos lahat ng backlog sa validation, tiniyak ng DOH na fresh cases na lahat ang kanilang irereport sa publiko.
Ang fresh cases ay iyong mga kasong ang test result ay lumabas sa loob ng 3 araw.
Ulat ni Madz Moratillo
Please follow and like us: