28 mga Hog raiser sa Batangas, nakatanggap ng financial aid mula sa Dept. of Agriculture Reg. 4a
28 magbababoy mula sa mga bayan ng Taal, San Jose, at Talisay Batangas na naapektuhan ng African Swine Fever o ASF.
Nakatanggap ng tig 5,000 financial aid o bayad-pinsala mula sa Dept. of Agriculture CALABARZON ang mga hog raiser.
Ang mga alagang baboy ng mga hog raiser sa Batangas ay pumayag na isuko ang mga baboy noong nagkaroon ng depopulation activity ang D.A upang mapigilang kumalat ang ASF sa mga karatig lugar sa kanilang lalawigan.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga hog raiser sa batangas sa natanggap nilang financial aid mula sa D.A region 4a.
Umaasa naman ang mga opisyal ng kagawaran na ang ipinamigay na financial aid sa mga hog raiser sa iba’t-ibang bayan sa Batangas ay makakatulong para may magamit at magkaroon ang mga ito ng alternatibong mapagkukunan ng ikabubuhay.