29 bagong kaso ng Omicron natukoy sa bansa
Mayorya sa 48 samples na isinailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center at UP National Institutes of Health ay nakitaan ng Omicron variant.
Sa datos ng Department of Health, mula sa 48 samples na ito, 29 ang may Omicron variant.
Sa 29 na ito, 19 ang local cases na pawang mula sa National Capital Region at 10 naman ang Returning Overseas Filipino.
Sa 19 local cases na ito, 14 pa ang aktibong kaso, nakarekober naman na ang 3 at inaalam pa ang kasalukuyang sitwasyon ng 2.
Bineberipika naman ng DOH ang test results at health status ng lahat ng pasahero na nakasabay ng 10 ROF.
Sa ngayon, umabot na sa 43 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Omicron variant sa bansa.
May 18 karagdagang kaso ng Delta variant rin ang natukoy sa bansa.
Ang 10 rito ay local cases na pawang taga NCR rin habang 8 ay ROF.
Sa ngayon umabot na sa 8,497 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng Delta sa bansa.
Madz Moratillo