29th batch ng Pinoys mula Israel, nakauwi na sa bansa

Kabuuang 76 Pilipino mula sa Israel ang nakabalik na sa bansa sa pamamagitan ng repatriation program ng pamahalaan.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ito na ang ika-29 batch ng Pinoy repatriates mula sa Israel simula nang sumiklab ang gulo sa pagitan ng Israel at ng Hamas noong nakaraang taon.

Ang mga OFW na umuwi ay binubuo ng 69 na caregivers, siyam na hotel workers at dalawang bata.

Sinalubong ang mga Pinoy sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City ng mga opisyal mula sa DMW at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Tumanggap ang repatriates ng cash assistance mula sa DMW, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang pinagkalooban sila ng libreng medical at psychological check-up ng Department of Health (DOH) at certificates mula sa Technical Education and Skills Development (TESDA).

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *