2nd batch ng P1,000 polymer banknotes ilalabas sa Setyembre – BSP
Ilalabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP sa Setyembre ang ikalawang batch ng isanlibong pisong salapi na yari sa polymer.
Ayon sa BSP, aabot na sa higit isandaan limampu’t walong libong milyong piraso ng 1 thousand peso polymer banknotes ang nasa sirkulasyon.
Sa susunod na taon ay muling maglalabas ng isang libong polymer banknotes ang BSP.
Nilinaw naman ng ahensya na na wala pa silang ipinalalabas na limandaang pisong banknotes na yari sa polymer na ang image o larawan sa harapan ay tarsier.
Binigyang-diin ng BSP na peke ang kumakalat na litrato sa online na 500 pesos na banknote na may nakalagay na larawan ng tarsier sa harapan ng salaping papel.