2nd batch ng reklamo kaugnay ng Oriental Mindoro oil spill, isasampa ng DOJ sa Ombudsman

Maghaharap ang Department of Justice (DOJ) sa Office of the Ombudsman (OMB) para sa pangalawang batch ng mga reklamo kaugnay sa paglubog ng MT Princess Empress na nagdulot ng oil spill sa Oriental Mindoro at iba pang lugar.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa mga posibleng may pananagutan sa insidente.

Tuloy din ang pangangalap ng mga salaysay, dokumento at mga ebidensya na ilalakip sa isasampang mga reklamo sa Ombudsman.

Sinabi ni Remulla na nais ng DOJ na mataas ang pamantayan ng mga reklamo na iniaakyat nila sa Ombudsman para na rin mas maging mabilis at mapadali ang pagdinig sa kaso.

Hindi binanggit ng kalihim kung anu-ano ang posibleng complaints na isasampa.

Una nang inireklamo ng National Bureau of Investigation (NBI) ng perjury, falsification of public o official documents at iba pa sa DOJ noong Hunyo 6 ang mga opisyal ng RDC Reield Marine Services na may-ari ng tanker, mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at ilang opisyal ng MARINA Region V.

Nabatid sa imbestigasyon ng NBI na pineke ng MT Princess Empress ang ilang dokumento gaya ng certificate of public convenience (CPC) at nakapaglayag ang barko ng 18 beses mula noong Disyembre kahit wala ito ng nasabing sertipikasyon.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *