2nd roll-out ng COVID-19 vaccine, umarangkada sa Bataan
Aabot na sa halos tatlong libong medical frontliners ang nabakunahan kontra COVID-19 sa lalawigan ng Bataan mula sa bakunang ibinigay ng Department of Health.
Sinabi ni Bataan Governor Abet Garcia na nasa 1,500 medical frontliners ang napabilang sa unang roll-out ng covid-19 vaccine sa lalawigan na nagsimula noong Marso 08, 2021.
Nasa 1,400 medical ftontliners naman ang nabakunahan sa 2nd roll-out ng vaccine kabilang na ang mga chief ng mga health facility, staff, doctors at nurses sa mga pampubliko at pribadong ospital, na ginanap sa Bataan People Center sa siyudad ng Balanga, Bataan.
Dagdag pa ni Garcia personal niyang tinatawagan ang mga hepe ng mga ospital na nabakunahan upang alamin ang kanilang kalagayan kung may negatibong epekto o reaksyon sa kanilang katawan ang bakuna.
Wala pa naman anyiang nagkakasakit sa mga nabakunahan.
Muli namang nanawagan si Garcia sa kanyang mga kakabayan na patuloy na mag-ingat kasabay ng muling paglobo ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila na posibleng muling makarating sa Bataan.
Larry Biscocho