3.4 milyong halaga ng shabu, narekober ng PDEA sa high-value target na Provincial Board member ng Lanao del Sur

 

Sa pamamagitan ng Search warrant 2018-091785 na inisyu ng Executive Judge Branch 16 RTC-Kabacan, Cotabato, matagumpay na nadakip sina Hussein Magandia at asawa nito na si Norhainah sa kanilang tahanan sa Wildflower St., Purok Mabuhay, Sitio Bucayo, Barangay Tubod, Iligan city.

Si Hussein Magandia ay ang Provincial Board member ng Lanao del Sur.

Ang pagdakip ay ginawa ng joint elements mula sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Regional office 10 at Regional office ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Nakumpiska sa tahanan ng mag-asawa ang isang malaking Ziplock transparent plastic sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu na may timbang na 500 gramo at nagkakahalaga ng 3.4 milyong piso; isang piraso ng kalibre .357 revolver; iba’t-ibang Drug paraphernalia at mga Financial documents.

Si Hussein ay isa s amga miyembro ng IWARAM Drug group na nag-o-operate sa Marawi city, Lanao del Sur at Lanao del Norte.

 

Ulat ni Richard dela Cruz

Larawan mula kay: Richard dela Cruz at Ferdinand Libor

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *