3.8 Bilyong pisong Economic assistance, ibibigay ng China sa Pilipinas
Magbibigay ng 3.8 Bilyong pisong halaga ng Economic assistance ang China sa Pilipinas.
Ito ang napagkasunduan sa Bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at President Xi Jinping.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nangako ang China na magbibigay sa Pilipinas ng 500 Million Yuan o katumbas na 3.8 Billionpesos bilang Economic assistance.
Nag-usap din ang dalawang lider tungkol sa South China sea dispute.
Kabilang din sa napagkasunduan sa Bilateral meeting ang mas malakas pang kooperasyon ng China at Pilipinas sa paglaban sa terorismo at ilegal na droga.
Pinasalamatan din ni Pangulong Duterte si Xi sa pagpapatayo ng Drug Rehabilitation facilities sa bansa.
=================