3 araw na government shutdown sa US , tapos na
Tapos na ang tatlong araw na government shutdown sa Estados Unidos matapos pansamantalang magkasundo ang mga mambabatas sa kongreso ang isang short term spending bill epektibo hanggang Pebrero 8 – na agad namang inaprubahan ni U-S President Donald Trmp.
Nangangahulugan na magpapatuloy sa operasyon ang ibat ibang federal agencies ng pamahalaan – hanggang Pebrero 8
Ang halos tatlong araw na government shutdown ay tinapos matapos mangako ang Republicans sa Democrats na paplantsahin nila sa mga darating na araw ang immigration policy particular ang isyu sa mga kabataang migrante o ang tinatawag na dreamers – ang mga kabataang illegal na dinala ng kanilang mga magulang dito sa U-S.
Ayon sa mga Democrats ay posibleng mapako dahil sa history ng ilang Republican lawmakers sa hindi pagtupad nito sa kanilang mga pangako. bukod dito—hanggang ngayon ay walang malinaw na plano para sa mga Dreamers ang Republican party.
Samantala, sa mga darating na araw ay pag-uusapan naman ng mga mambabatas at ng white house ang long-term plans para sa military at domestic spending bago dumating ang Pebrero 8 kung saan – sa araw na iyon ay maaring maulit ang government shutdown sakaling wala na namang mapagkasunduan ang mga mambabatas para ipasa ang budget para sa darating na fiscal year.
Ulat ni Ellen Aguilar