3-digit number coding iginiit sa Kamara bilang sagot sa problema sa trapiko
Iginigiit ni House Minority Leader Danilo Suarez sa Metro Manila Development Authority na gawing 3-digit ang sakop ng number coding.
Sa mungkahing ito ni Suarez, 3 number na ng plaka ng sasakyan ang coding bawat araw.
Paliwanag ni Suarez, ngayong 2-digit number coding ang ipinatutupad ng MMDA ay 20% na ang nawawalang sasakyan sa lansangan.
Kung gagawin itong 3-digit ay tiyak na aakyat sa 30% ang hindi bibiyahe sa bawat araw kaya tiyak na luluwag ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Dati na itong iminungkahi ni Suarez at pumasa naman sa MMDA pero tinutulan ng mga Alkalde.
Ayonkay Suarez, napapanahon ang 3-digit number coding lalo pa at inaasahang babalik din sa normal na operasyon ang mga Transportation Network Companies na Uber at Grab.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo