3 katao patay sa pananalasa ng Bagyong Quinta, 13 iba pa nawawala
Tatlo na ang patay at labintatlong iba pa ang nawawala habang isa ang nasugatan sa pananalasa ng Bagyong Quinta.
Ayon kay Mark Timbal tagapagsalita ng ndrrmc, ang tatlong biktima ay pawang nalunod matapos rumagasa ang tubig baha.
Isa sa mga biktima ay naitala sa mogpog sa Marinduque habang dalawa ay sa Negros Oriental.
Isa naman sa nawawala ay mula sa lumubog na yate sa Bauan Batangas, isa sa Odiongan sa Romblon na tinangay ng malakas na alon matapos tangkaing tumawid sa ilog.
Habang ang siyam na iba pa ay mga mangingisda sa Catanduanes at Camarines sur.
Umabot na sa kabuuang 914, 709 katao o 237,948 na pamilya ang apektado ng pananasala ng bagyo.
Sa ngayon na sa 843 na mga evacuation centers ang okupado ng mga apektado ng bagyo sa National Capital Region, Region 3, CALABARZON, MIMAROPA, Regions 5, 6, 7 at 8.
Wala pang datos ang NDRRMC sa kabuuang halaga ng pinsala sa ari arian at agrikultura ng hagupit ng bagyo.
Meanne Corvera