3 lalaki, arestado sa Tarlac City dahil sa iligal na droga
Tatlong lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng Tarlac City Police Station dahil sa pagbebenta at paggamit ng iligal na droga na kanilang nahuli sa akto sa Blk.8, Brgy.San Nicolas, Tarlac City.
Ayon sa ulat ni Police Supt.Bayani Razalan, hepe.ng Tarlac City PNP kay Tarlac Provincial Director Ritchie Medardo Posadas, ang mga naaresto ay sina Rolly Paulino at Virgilio Tabamo, na kapwa na -Oplan Tokhang na at mga drug surrenderees at si Justin Lising, pawang mga taga Tarlac City.
Sinabi ni Police Insp.Welhelmino Alcantara, pinuno ng Station Drug Enforcement Unit o SDEU, nagkunwang buyer ng shabu si PO2 Marben Dayrit Puno.
Matapos na bentahan ng suspect na si Paulino ng shabu si PO2 Puno, agad siyang dinakip ng pulis, samantalang ang dalawa na nasa aktong lumalangghap ng shabu ay agad na sinunggaban nina Insp.Alcantara at SPO1Joey Salvador Apolonio.
Siyam na pakete ng shabu na may timbang na .825 grams at P500 bill mark money ang nakumpiska sa tatlo at pawang mga nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at ngayo’y nakakulong sa Tarlac City lock-up cell.
Ulat nina Aser Bulanadi/Godofredo Santiago