3 lugar isinailalim sa storm warning signal dahil sa Typhoon Henry
Bahagyang humina ang Typhoon Henry habang lumilibot sa karagatang sakop ng Batanes.
Ayon sa pagasa, huling namataan ang mata ng bagyo sa 365 kilometers east-northeast ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 165 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 205 kilometers per hour.
Nakataas ang signal number 1 ang Babuyan Islands, at Northeastern portion ng mainland Cagayan.
Habang signal number 2 naman sa Batanes katamtaman hanggang sa malakas na ulan ang asahan sa mga nasabing lugar ngayong araw .
Habang moderate at kung minsan ay malakas din ang mga pag-ulan na iiral naman sa Ilocos Norte, Apayao, at Cagayan.
sa Metro manila kasama ang Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Cagayan valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Western Visayas ay nakararanas naman ng makulimlim na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan sanhi ng trough ng bagyong Henry at pinaigting na southwest monsoon o habagat.
Pinag-iingat ang mga residente sa mga posibleng flash floods at landslides kung may malalakas na pag-ulan.
Asahan din ang maulang weekend dahil sa hinahatak ng bagyo ang habagat na siyang magdadala ng mga pag-ulan sa western section ng Luzon.
Samantala, nakataas ang gale warning sa northern at eastern seaboards ng Northern Luzon.
Pinag-iingat ang mga maglalayag lalo na ang may maliliit na sasakyang pandagat dahil magiging maalon ang mga karagatan.
Inaasahang gabi ng sabado o hanggang linggo ng umaga lalabas ng philippine area of responsibility ang bagyo.