3 menor de edad na biktima ng illegal recruiters humarap sa Senado

Tatlong menor de edad na mga Filipino ang nabiktima ng mga illegal recruiter at dinala para magtrabaho sa syria bilang mga domestic workers.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Committee on Women and Family relations sa isyu ng tinaguriang outbound pastillas, lumilitaw na nakalusot ang tatlo matapos gumamit ng mga pekeng pasaporte nang marecruit si omaima sa edad na disi sais sa Sultan Kudarat pero ang birthday niya sa passport dinagdagan ng sampung taon.

Inalok daw sya ng trabaho sa Abroad pero hindi inakalang dadalhin siya sa Syria.

Sa Sultan Sabarongis sa Maguindanao naman narecruit si Aleah na dumaan din sa kaparehong recruitment noong 2008.

Ang kaniyang birthday August 30, 1992 pero binago ito at ginawang February 10 1984.

Habang si lenlen na mula sa Sharif Aguak sa Maguindanao nakarating ng Syria sa edad na 14.

Lahat sila nakaranas ng pang- aabuso sa kanilamg amo kaya napilitang tumakas at noong nakaraang taon lang narepatriate pabalik ng bansa

Kinumpirma naman ni Immigration Commissioner Jaime Morente na nasa kamay ng Department of Justice ang kaso ng mga dawit na immigration officers.

Nire-review na raw ng DOJ ang resulta ng kanilang isinumiteng fact finding investigation at nasa kamay na ng DOJ ang pagpapataw ng parusa.

Meanne Corvera

Please follow and like us: